Pangulong Duterte, tiniyak na magkakaroon ng malinis na Bureau of Customs

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “malinis” at “maayos” na Bureau of Customs.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na ‘purging’ o paglilinis sa kawanihan mula sa mga tiwaling tauhan.

Binanggit ng pangulo ang pagsibak niya sa 64 na Customs personnel at posibleng matatanggal pa siya ng higit 100 pa.


Ayon sa pangulo, batid na niya kahit noong bata pa siya na maraming customs personnel ang namumuhay ng labis-labis, mayroong mga malalaking bahay at sosyal na sasakyan.

Aminado ang pangulo may mga panahong gusto na niyang mag-resign dahil sa lawak ng problema pero sisiguraduhin niyang committed siya na labanan ito.

Facebook Comments