Pangulong Duterte, tiniyak na maibabalik agad sa normal ang Cagayan Valley

Nangako si Pangulong Duterte sa mga residente ng Cagayan Valley na sinisikap na ng pamahalaan na maibalik sa normal ang rehiyon matapos ang matinding bahang iniwan ng Bagyong Ulysses na sinabayan ng pagpapakawala ng mga dam.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaisa siya sa mga residente ng Cagayan lalo na sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng pagbaha.


Iginiit ni Pangulong Duterte na patuloy ang gobyerno sa pagsasagawa ng rescue operations hanggang sa masapig ang lahat ng apektadong pamilya.

Dagdag pa ng Pangulo, naiintindihan ng pamahalaan ang kanilang pinagdadaanan at tiniyak na makakabangon sila mula sa kalamidad.

Binigyang diin ng Pangulo na kailangan ng mga nasalanta ng baha ng malinis na tubig.

Facebook Comments