Pangulong Duterte, tiniyak na makakatanggap ang bawat Pilipino ng COVID-19 vaccine, maging ang ASG at NPA

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang COVID-19 vaccine na makukuha ng Pilipinas ay ibibigay sa bawat Pilipino, maging sa mga miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) at New People’s Army (NPA).

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng panggagalaiti niya sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa kaniyang pulong sa pandemic task force ng pamahalaan nitong Sabado, siniguro ng Pangulo na ang bawat Pilipino ay makakatanggap ng bakuna.


Para sa ASG, ang militar ang magbabakuna sa kanila.

Nagbabala naman ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na mamamatay ang mga ito kapag patuloy pa rin silang maghahasik ng kaguluhan.

Pero siniguro naman ng Pangulo na makakatanggap din ang mga rebeldeng komunista ng bakuna.

Facebook Comments