Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na hindi sila mapag-iiwanan sa laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng utos niya sa government agencies na maglunsad ng mobile vaccination sa mga informal settlers.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang publiko sa harap ng mahabang lockdown.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat siguruhin ng mga government agencies na magtatagumpay ang vaccination program.
Matatandaang itinakda kahapon, March 15 ang unang taon ng lockdown.
Facebook Comments