Pangulong Duterte, Tiniyak Na Matatapos Ang Termino Ni Vp Robredo

4

MANILA – Tiniyak ni pangulong rodrigo duterte na matatapos ni vice president leni robredo ang termino nito.Sa ambush interview sa ground breaking ceremony ng bicol international airport sa legazpi city albay – sinabi ni pangulong duterte na walang katotohanan na may ikinakasang “ouster plot” laban kay robredo.Paliwanag pa ng pangulo – wala naman silang away ni robredo.Bagama’t wala silang away – sadyang may mga bagay lang na hindi sila nagkakasundo ni robredo.Kabilang din anya sa hindi nila mapagkasunduan ang isyu ng marcos burial – kahit pa kilalang anti-marcos ang kanyang ina.Dahil dito – wala naman balak ang pangulo na pigilan o ipagbawal ang mga protesta na tumutuligsa sa kanyang desisyon.

Facebook Comments