Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na “on top of the situation” ang pamahalaan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa.
Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na mula sa simula, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay kumikilos na para tugunan ang sitwasyon sa ground.
Nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at concerned agencies na tiyakin na ang kapakanan at ķaligtasan ng mamamayan ay nananatiling “top priority” ng mga ito.
Bilang Pangulo, ginagarantiya niya na gagawin lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para makapagbigay ng tulong gaya ng tirahan, relief goods, financial aid at post disaster counseling.
“Rest assured the government will not leave anybody behind. We will get through this crisis, I assure you. As one nation kapit po tayo, mga kababayn, mag bayanihan po tayong lahat.” ani ni Pangulong Duterte.
Inamin naman ni Pangulong Duterte na may problema siya kaya’t hindi niya magawang libutin ang mga lugar na kailangan ang kanyang presensiya habang binabayo ng Bagyong Ulysses ang iba’t ibang lugar sa bansa.
Aniya, pinagbawalan siya ng Presidential Seurity Group (PSG) at ng kaniyang doktor na lumabas at puntahan ang mga residenteng apektado ng Bagyong Ulysses.
Kasabay nito, inunahan ni Pangulong Duterte ang mga bumabatikos na wala siyang ginagawa at natutulog lamang habang nanalasa ang Bagyong Ulysses.
Giit ng Pangulo, wala pa siyang tulog dahil sa kaka-monitor sa sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.