Pangulong Duterte, tiniyak na tatapusin ang problema ng terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Duterte na tatapusin niya ang problema ng terorismo sa bansa.

Sa pahayag ng Pangulo kasabay ng Palarong Pambansa 2017, sinabi nito na kapag nagdeklara siya ng martial law sa Mindanao, sisiguraduhin niya na pupulbusin ang mga bandidong grupo.

Aniya, kung animal ang pag-uugali ng mga terorista ay sinisiguro niyang 50 times more siya.


Kasabay nito, iniutos na ng Pangulo sa militar na patayin ang lahat ng mga natitirang miyembro ng Abu Sayaff sa Bohol.
DZXL558

Facebook Comments