Pangulong Duterte, tiniyak na walang makikialam sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Kian delos Santos

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na walang manghihimasok o makikialam sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice at ng National Bureau of Investigation sa pagkakapatay kay Kian delos Santos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte kina Saldy at Lorenza Delos Santos nang makapulong niya ang mga ito kahapon sa Malacañang.
Sinabi ni Abella, umaasa sila na magkakaroon ng mabilis at makatotohanang imbestigasyon ang mga ahensiya ng pamahalaan sa nasabing kaso.
hindi naman ni Abella kung mayroong financial assistance na ibinigay o ipinangako si Pangulong Duterte sa pamilya Delos Santos.
hindi din naman masabi ni Abella kung ano ang epekto ng pulong ni Pangulong Duterte sa mga magulang ni Kian sa mga kumokontra sa war on drugs ng Adminsitrasyon at nagiging objective lang aniya si Pangulong Duterte sa pagharap sa bagay na ito.

Facebook Comments