Pangulong Duterte, tinuldukan na ang pakikipag-usap sa Abu Sayyaf Group

Cotabato – Tuluyan nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa grupong Abu Sayyaf.

Sa kaniyang talumpati sa Cotabato City, binigyan diin ng Pangulo na hindi niya gusto ang ginagawa ng Abu Sayyaf na pumapatay at namumugot ng mga bata at inosenteng tao.

Dahil dito, nanindigan ang Pangulo na hindi siya kailanman papasok sa usapang pangkapayapaan sa naturang teroristang grupo.


Ang pahayag na ito ng Pangulo ay taliwas sa kanyang naging pahayag noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan hiniling niya sa Abu Sayyaf na makipag-usap upang maresolba ang armadong pakikibaka sa Mindanao.

Facebook Comments