Manila, Philippines – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga ginawa siyang desisyon kaya natagalan ang pagbawi ng militar sa Marawi City mula sa Maute terror group.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng TESDA kagabi, sinabi ng pangulo na tinutulan niya kasi noon ang planong pagbomba sa mga Mosque at iba pang gusali na pinagkukutaan ng mga terorista.
Ito ay dahil ayaw niyang isakripisyo ang buhay ng mga sibilyang bihag ng Maute.
Gayunman, iginiit ni Duterte na darating ang panahon na hindi niya maaaring pigilan ang mga plano ng Armed Forces.
Kaya ibinibigay na raw niya sa militar ang desisyon sa pagtapos ng gulo sa Marawi.
Facebook Comments