Pangulong Duterte, tiyak na palalawigin ang state of calamity sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic – Malacañang

Naniniwala ang Malacañang na tiyak na palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng state of calamity sa buong bansa bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, siguradong pipirmahan ni Pangulong Duterte ang naturang deklarasyon.

Nasa mesa na ito ng Pangulo at maaaring napirmahan na ito at patungo na sa tanggapan ng Executive Secretary.


Matatandaang inilagay ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa ilalim ng state of public health emergency noong March 8, isang linggo bago idineklara ang lockdown noong March 15.

Sa ilalim ng state of calamity, ang lahat ng government agencies at Local Government Units (LGU) ay pinakikilos para tugunan ang global health crisis.

Maaaring magamit ng mga LGU ang quick response funds para mapondohan ang disaster response efforts.

Facebook Comments