Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na puspusan ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte isang linggo bago magsimula ang 31st ASEAN Summit na dadaluhan ng mga ASEAN Leaders at dialogue partners.
Ayon kay Andanar, bilang Chairman ng ASEAN ay maraming pulong ang dadaluhan ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo.
May 50 dokumento aniya ang inaasahang lalabas sa 31st ASEAN Summit at marami ding multilateral at bilateral meetings na inaasahan para kay pangulog Duterte.
Sa katunayan, sinabi ni Andanar na kagabi sa Davao City bago dumalaw si Pangulong Duterte sa puntod ng kanyang mga magulang ay nagkaroon pa ng mahabang pulong ang pangulo para sa briefing kung ano ang mga mangyayari sa ASEAN Summit.
Pangulong Duterte, todo paghahanda para sa darating na ASEAN Summit
Facebook Comments