Pangulong Duterte, tuta ng kano?

Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ng mga militanteng grupo na tuta talafa ng Amerika si pangulong Rodrigo Duterte,itoy matapos aminin ni US President Donald Trump sa kanyang talumpati kanina sa Washington DC.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr.hindi pwedeng ikaila ni pangulong Duterte na hindi sunod-sunuran ang Pilipinas sa Amerika dahil inamin mismo ni Trumpa sa kanyang talumpati kanina na nagpapasalamat ang gobyernong Pilipinas sa tulong ng Amerika upang matagumpay na mabawi mula ang Marawi mula sa pagkupkop ng mga teroristang Maute-ISIS group.

Paliwanag ni Reyes ang naging talumpati ni Trump ang kanilang pinanghahawakan na dinidiktahan ng Amerika ang Pilipinas sa lahat ng kanilang mga galaw taliwas umano sa mga pahayag ni pangulong Duterte na hindi siya maaaring diktahan ng anumang bansa maging ang Amerika.


Facebook Comments