MANILA – Tutulak patungong Tokyo, Japan si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para sa kaniyang tatlong araw na state visit.Pagdating ng Japan, agad itong makikipagpulong sa mga Filipino community doon.Bukas (araw ng Miyerkules), makakaharap naman ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Japan-Philippines Parliamentariant Friendship League.Magtatalumpati rin ang Pangulo sa Philippine Economic Forum.Makikipagpulong din si Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.Bago umuwi ng Pilipinas, magko-courtesy call din ang Pangulo kay Emperor Akihito sa Emperial Palace.Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, na lalagdaan sa 3 days visit ng Pangulo ang labing dalawang (12) trade and investment agreement para sa pribadong sektor.Nasa $2 bilyon dollar ang inaasahang lalagdaan na mga business agreements sa pagitan ng Pilipinas at Japan partikular sa sektor ng agrikultura at manufacturing.Nasa 200 negosyante naman ang kabilang sa business delegation ni Pangulong Duterte na sasama sa kanyang state visit.Matatandaang inanyayahan ni Abe si Duterte na dumalaw sa Japan matapos nilang magkita sa ASEAN Summit sa Vientiane, Laos.
Pangulong Duterte, Tutulak Ngayong Araw Sa Japan Para Sa Tatlong Araw Na Official Visit… Labing Dalawang, Trade And Inve
Facebook Comments