Repost from Cagayan PIO: Inaasahang patungo ngayon sa Cagayan si Pangulong Rodrigo Duterte para alamin ang kalagayan ng mga mamamayang sinalanta ng Super Typhoon Ompong. Ito ang ipinaabot ng Malakanyang kay Gov Manuel Mamba. Kaugnay nito ay pinupulong ngayon ng gobernador ang mga opisyales ng kapitoloyo para muling mag-update sa mga ginagawang relief, rescue and monitoring operations sa antas ng pinsalang iniwan ng Super Bagyong Ompong. Ibig ni Gov Mamba na maipaabot sa pangulo ang tunay na kalagayan ng Cagayan na niragasa ng nasabing bagyo. Samantala, patuloy na walang pasok sa eskuwelahan sa lahat ng antas bukas. Araw ng Lunes, Setyembre 17, 2018 mapa -gobyerno at pribadong paaralan. Ito ay dahil sa ginagamit pa rin na evacuation centers ang mga paaralan sa ngayon. May pasok naman sa trabaho kapwa gobyerno at pribadong sektor bukas. Tags: Cagayan, Rodrigo Duterte, Ompong, DWKD, Luzon, Cagayan PIO, RMN Cauayan
Pangulong Duterte, Tutungo Ngayong Araw sa Cagayan
Facebook Comments