Pangulong Duterte, umaasa pa rin ng donasyong bakuna mula sa China at Amerika

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang bansa ang magbibigay ng bakuna sa Pilipinas tulad ng China at Amerika.

Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, nilinaw ng pangulo na hindi siya galit sa Amerika.

Ipinaliwanag naman ng pangulo na walang sariling factory ng bakuna ang Pilipinas kaya nagsusumikap ang pamahalaan ng bumili ng COVID-19 vaccines at umasa sa donasyon.


Aabot sa 20 hanggang 25 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Facebook Comments