Pangulong Duterte, umaasang hindi lalala ang COVID-19 variants

43

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na manalanging hindi lalala ang COVID-19 variants at humantong sap unto na hindi na tatalab dito ang mga bakuna.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, tiwala si Pangulong Duterte na hindi magkakaproblema ang Pilipinas lalo na sa pagkuha ng mga bakuna dahil ginarantiya na ito ng mga bansa sa ilalim ng kontrata.


Pero pangamba ng Pangulo na baka maging walang kwenta lamang ang mga bakuna dahil sa mga nagsusulputang variants.

Nangako si Pangulong Duterte sa mga Pilipinong Scientists na ibibigay nila ang mga kailangan para maipagpatuloy nila ang kanilang trabaho.

Facebook Comments