Pangulong Duterte, umaasang hindi umabot ang bagong strain ng COVID-19 sa Pilipinas

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bagong strain o uri ng COVID-19 ay hindi umabot sa Pilipinas.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” sinabi ng Pangulo na hindi na ito katanggap-tanggap dahil masyado nang naghirap ang mga Pilipino dahil sa pandemya.

Hiling ng Pangulo na matukoy agad ng health experts ang bagong mutant strain.


Matatandaang ibinunyag ni British Health Secretary Matt Hancock na mayroong bagong uri ng COVID-19 na nadiskubre sa England kung saan nasa 1,000 tao ang tinamaan nito.

Facebook Comments