Pangulong Duterte, umaasang mabisa laban sa COVID-19 ang Ivermectin; Resulta ng mga pag-aaral, malalaman sa loob ng 1 hanggang 2 buwan

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakatulong na na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 gamit ang anti-parasitic drug na Ivermectin.

Sa kanyang public address, hiling ng Pangulo na magiging paborable ang magiging resulta ng mga pag-aaral sa Ivermectin bilang preventive drug laban sa COVID-19.

Handa rin si Pangulong Duterte na subukan ang gamot kapag nabigyan na ito ng regulatory approval.


Kapag napatunayang mabisa ito, sinabi ni Pangulong Duterte na iinumin niya ang Ivermectin.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na maraming doktor ang handang ipusta ang kanilang integridad para patunayang epektibo ang gamot laban sa COVID-19.

Sinabi naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ang resulta ng mga pag-aaral sa Ivermectin ay malalaman sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Sa ngayon, hindi pa inirerekomenda ng FDA ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment habang nasa anim na ospital ang binigyang ng compassionate special permit para gamitin ito.

Facebook Comments