Pangulong Duterte, umaasang mag-uuwi ng ayuda ng Japan para sa rehabilitasyon ng Marawi

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang maiuuwi na tulong mula sa japan para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa interview kay pangulong Duterte bago ito umalis patungong Japan kagabi ay sinabi nito na sa laki ng pinsala na inabot ng Marawi City ay siguradong magbibigay talaga ng malaking tulong ang Japan.
Pero hindi naman aniya niya inaasahan na japan na ang magbibigay ng solusyon sa problema ng bansa sa Marawi City pero talagang magiging malaki ang iaambag nito.
matatandaan na sinabi ng task force Bangon Marawi na isa ang Japan sa mga nangako na magbibigay ng tulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Facebook Comments