Pangulong Duterte, umaasang magiging katuwang ang China sa pagsusulong ng ikabubuti para sa lahat

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lamang kaibigan at katuwang ang China sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, kundi maging tagapagtanggol sa kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Binabati ni Pangulong Duterte ang Communist Party of China (CPC) sa kanilang centennial founding anniversary.

Sa kanyang video message, pinuri ni Pangulong Duterte ang China sa malawak na kapangyarihan nito at responsibilidad.


“We trust in the collective wisdom of the great Chinese nation — that China will use its newfound strength in defense of what is good and just for all humanity,” sabi ni Pangulong Duterte.

Iginiit ni Pangulong Duterte na ang kapayapaan at kasaganahan ay dapat ibinabahagi sa lahat.

Binanggit ng pangulo ajng pagtulong ng China na maiahon sa kahirapan ang 800 milyon nitong mamamayan.

Malaki aniya ang magiging papel ng China sa global affairs sa mga darating pang dekada.

Nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa China sa tulong nila sa Pilipinas ngayong pandemya.

Para mapagtibay ang mutual trust at confidence, ipinanukala ni Pangulong Duterte na magkaroon ng constructive dialogue at peaceful engagement sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments