Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na muling manunumbalik ang integridad ng Philippine Postal Corporation sa kanilang modernisasyon at paglipat sa digital operations.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na nagpapasalamat siya at inabot niya ang panahon ng new normal kung saan ang teknolohiya ang nagpapatakbo sa mundo.
Malaking tulong aniya ito upang makasabay ang Pilipinas sa ibang mga bansa pagdating sa digital transition.
Kasunod nito, nagpasalamat din ang pangulo sa publiko sa suportang natanggap ng kaniyang administrasyon sa nakalipas na anim na taon.
Ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang mga proyektong pang-imprastraktura na bahagi ng kaniyang polisiya na maipamahagi ang government resources sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Facebook Comments