Manila, Philippines – Nakikiisa si Pangulog Rodrigo Duterte sa mga Muslim sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na sa harap ng mga pagsubok ng bansa ay dapat manaig ang pagkakaisa sa pagasang magkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.
Sa pamamagitan aniya ng feast of sacrifice ay mas mag-alab pa sana ang pagnanais ng ating mga kapatid na muslim na labanan ang kaguluhan at karahasan.
Sinabi pa ng Pangulo na ang okasyong ito ay nagpapaalala ng pagiging masunurin ni Ibraham kay Allah at ang kahalagahan ng sakripisyo sa buhay at ito din aniya ang patunay na minsan ay kailangang magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.
Ang selebrasyong ito aniya ay isang oportunidad para sa mga kababayan nating Muslim na pagtibayin ang kanilang pananampalataya at debosyon sa relihiyong islam.
Matatandaan na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na Regular Holiday ang September 1 o Bukas, para sa selebrasyon ng Eid’l Adha.
Pangulong Duterte umaasang mas mag-aalab ang paglaban sa kaguluhan at karahasan ng mga Muslim sa kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha
Facebook Comments