Pangulong Duterte, umaasang mas maraming mare-recruit kung tataasan ang sahod ng mga healthcare workers

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mas maraming pang healthcare workers ang mare-recruit ng pamahalaan kasabay ng nararanasang COVID-19 surge.

Kasunod ito ng pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na maraming ospital sa bansa ang kulang sa mga healthcare personnel gaya ng nurse at doktor.

Ayon kay Duterte, mas maraming medical frontliners ang makikiisa sa laban ng gobyerno kontra COVID-19 kung tataasan ang sahod ng mga ito.


Aniya, kung ang sahod nga ng isang bagong sundalo ay umaabot na sa higit P30,000, dapat ganoon rin sa mga nurse at ilang hospital staff.

Dahil dito, tiniyak ng pangulo na gagawa ng paraan ang pamahalaan para ituloy ang umento sa kanilang sahod.

Samantala, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinabibilis na ng pamahalaan ang graduation at examination ng mga magdo-doktor bilang tugon na rin sa kakulangan ng empleyado sa mga ospital sa bansa.

Facebook Comments