Pangulong Duterte, umaasang masusunod ang term sharing sa Kamara pero wala na daw magagawa kung walang makukuhang suporta si Rep. Lord Allan Velasco para maging House Speaker

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na susundin nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang naging usapan nila hinggil sa term-sharing.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala ng magagawa ang Pangulo kung walang makuhang suporta si Velasco mula sa kapwa niya kongresista.

Matatandaan na bago ang pagsisimula ng 18th Congress nagkaroon ng kasunduan na bibigyan ng 15 buwan para umupo bilang Speaker si Cayetano at papalitan ni Velasco hanggang sa matapos ang 18th Congress.


Samantala, sinabi naman ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na mayorya ng mga kongresista ay nais na manatili sa posisyon si Cayetano.

Giit ni Villafuerte, hindi nila nararamdaman ang presensiya ni Velasco sa Kamara at hindi rin ito nakikipag-tulungan sa ibang malalaking isyu.

Facebook Comments