Pangulong Duterte, umapela sa mga Pilipino na agad magpabakuna

37

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Sa kanyang talumpati sa Pasay City, iginiit ng Pangulo na mahalaga ang kanilang kooperasyon para muling buksan ang ekonomiya.


Mapipigilan din nito ang pagkalat ng sakit.

“I encourage you to get vaccinated at the soonest possible time,” ani Pangulong Duterte.

Pagtitiyak din ng Pangulo na ligtas ang mga bakuna.

Sisikapin din ng pamahalaan na mabilis na maihatid ang mga bakuna sa mga komunidad.



Paalala niya sa publiko na manatiling sundin ang health protocols dahil hindi pa natatapos ang pandemya.


“We may not be out of the woods yet but we are making progress and the end is in sight,” sabi ng Pangulo.

Matatandaang sumang-ayos si Pangulong Duterte na magpabakuna sa publiko para maitaas ang kumpiyansa ng lahat sa bakuna, pero nais niya na magpaturok ng Sinopharm vaccine ng China.

Facebook Comments