Pangulong Duterte, umapela sa mga Pilipino na makibahagi sa mass registration para sa PhilSys

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na makibahagi sa Philippine Identification System (PhilSys) mass registration.

Hiling ng Pangulo, i-maximize sana ng lahat ang advantages ng pagkaroon ng universal at secured database na magpapabilis at magpapagaan sa mga transaksyon.

Aniya, titiyakin ng PhilSys na mapapanatili ang privacy ng mga personal information na mako-kolekta ng pamahalaan.


Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Pangulo na patuloy na sumunod sa health protocols laban sa COVID-19 kasabay ng pakikibahagi sa registration process.

Samantala, mahigit 10.6 milyong Pilipino na ang nakalahok sa pre-registration para sa PhilSys hanggang noong Disyembre.

Facebook Comments