Pangulong Duterte, Umatras Na Sa Pagbuo Ng Fact Finding Commission Para Imbestigahan Ang Mamasapano Operation

6

MANILA – Hindi na itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang komisyon na aalam sa katotohanan sa likod ng madugong mamasapano encounter kung saan nasawi ang 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos noong 2015.Ayon kay Duterte, hindi na niya ito itutuloy dahil mayroon nang nakabinbing kaso ngayon sa Office of the Ombudsman.Kasabay nito, kinumpirma Duterte na tinext siya ng aktres na si Kris Aquino para pakiusapang huwag ipakulong ang kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.Ayon sa pangulo, sinagot niya si Kris at sinabing hindi siya naghahanap ng butas para maidiin ang dating pangulo.Sa halip, sinabi aniya niya na gusto lang niyang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng SAF commandos.

Facebook Comments