Hindi pa rin makapagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy niya ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos o bumuo ng bagong kasunduan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa rin sigurado si Pangulong Duterte kung ano ang gagawin sa VFA.
Isa sa tinitingnan ni Pangulong Duterte kung ang VFA ay makakatulong sakaling lumala ang isyu sa West Philippines Sea.
Matagal ng pinag-aaralan ni Pangulong Duterte ang isyu ng VFA.
Ang VFA ay nilagdaan noong 1998, kung saan pinapayagan ang join military exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipino sa Pilipinas.
Facebook Comments