Pangulong Duterte, wala munang out-of-town event sa loob ng 2 linggo

Wala munang out-of-town event si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ang karamihan sa mga aktibidad ng Pangulo ay naka-schedule na gawin sa Metro Manila.

Sandali aniya itong uuwi sa kaniyang hometown sa Davao City pero agad din itong babalik ng Metro Manila.


Sinabi rin ni Roque na hindi pa nakasaad sa schedule ng Pangulo kung saan ito magdaraos ng Semana Santa.

“Well, sa ngayon po ang mga schedule niya po ay naririto sa Maynila. Mayroon po siyang schedule na uuwi sandali sa Davao pero next week po balik po siya sa Metro Manila. As to where he will spend holy week, hindi po naka-indicate pa sa kalendaryo, ang huling tingin ko po ay nasa Metro Manila po siya next week.” ani Roque.

Matatandaan nitong mga nakaraang linggo ay panay ang ikot ng Pangulo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments