Hindi na magkakaroon ng ikalawang Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque dahil wala aniya ito sa official schedule ng pangulo.
Ayon kay Roque, hanggang mamayang gabi ang ibinigay na taning ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga Local Government Unit (LGU) upang iapela ang kanilang quarantine classification.
Bukas naman aniyang alas-2:00 ng hapon ay magpupulong ang IATF at dito ilalabas ang final quarantine classifications ng bansa.
Ani Roque, makaraan ang pulong ay kanyang ilalabas o iaanunsyo ang pinal na quarantine classifications.
Sa pinakahuling rekomendasyon ng IATF isasailalim sa GCQ “with some restrictions” ang Metro Manila, Rizal at Bulacan habang sakop ng GCQ “with heightened restrictions ang Laguna at Cavite mula July 1 to 15.
MECQ o mas mahigpit na restrictions naman ang ipatutupad sa 21 probinsya at siyudad sa bansa hanggang July 15 dahil sa nananatiling mataas na kaso ng COVID-19.
Habang ang ilang bahagi ng bansa ay sakop ng GCQ at MGCQ.