Pangulong Duterte, wala nang kailangang patunayan pa ayon sa Palasyo

25

Iginiit ng Malacañang na wala nang kailangan pang patunayan pa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mag-trending sa social media ang hashtag #DuterteDuwag nang umatras siya sa sariling hamong debate kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ukol sa isyu sa West Philippines Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinamalas na ni Pangulong Duterte ang kanyang kakayahan sa pagdedebate noong tumakbo siya sa pagkapangulo noong 2016.


Hindi tulad aniya ni Justice Carpio na hindi pa kailanman nakitang nakipagdebate sa publiko.

Muling iginiit ni Roque na ang pakikipagdebate ni Pangulong Duterte kay Carpio ay mayroong legal consequences.

Facebook Comments