Wala pa ring desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa rekomendasyon ng Department of Labor ang Employment (DOLE) na deployment ban ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia.
Dahil ito sa hindi nababayarang sahod ng mga employers sa aabot sa 9,000 Pilipino roon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bagama’t wala pa rin sagot dito ang pangulo ay umaasa naman ang malakanyang na madadaan ito sa mabuting usapan.
Sa ngayon, pagkumpirma ni DOLE Usec. Benjo Benavidez ay tutungo na sa Kingdom of Saudi Arabia sa huling bahagi ng Oktubre upang talakayin ang isyu.
Facebook Comments