Pangulong Duterte, wala pa ring public appearance

Manila, Philippines – Hanggang ngayong araw ay wala pa ring public engagement si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman nagbibigay ng impormasyon ang malacanang bukod sa pagsasabi na wala itong malubhang sakit at kailangan lang ng pangulo ng pahinga matapos ang sunod sunod nitong aktibidad sa mga kampo militar sa mindanao at pagdalaw sa mga nasawing sundalo sa Marawi City.

Matatandaan na kapon dapat ay uuwi sana ng Davao City si Pangulong Duterte pero sa hindi pa sinasabing dahilan ay hindi ito na tuloy at sa halip at nanatili na lamang ang pangulo sa Malacanang.


Batay naman sa impormasyong nakuha ng Malacanang Press Corps ay kasama ng Pangulo ngayon ang kanyang common law wife na si Honneylet Avancena at anak na si Veronica.

Wala parin namang inilalabas ang malacanang na schedule ang pangulo ngayong araw at maging sa mga susunod na araw.

Facebook Comments