Pangulong Duterte, walang inihayag na full confidence kay Faeldon; Kapalaran niya sa BOC nakasalalay sa imbestigasyon ng Senado at Kamara

Manila, Philippines – Ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, walang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili pa rin ang kanyang tiwala kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Diin pa ni Senator Drilon, ang kapalaran ni Faeldon sa Bureau of Customs ay nakasalalay sa magiging resulta ng magiging resulta ng pagdinig ng dalawang kapulungan ukol sa smuggling ng 604 kilo ng shabu.

Ayon kay Drilon, sinabi sa kanila ng Pangulo Duterte sa pulong kagabi na aantayin nito ang rekomendasyon mula sa Senado at Kamara na parehong nagsasagawa ng pagdinig kaugnay sa paglusot sa Customs ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing sa China.


Facebook Comments