Walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na patigilin sa pagsunod sa kanilang mandato ang Commission on Audit (COA).
Kasunod ito ng pagkastigo ng pangulo sa COA dahil sa paglalabas ng mga ulat ukol sa ilang ahensiya ng gobyerno na nakitaan ng kwestiyunableng datos.
Ayon kay Albay Representative Edsel Lagman, isang independent constitutional commission ang COA at wala itong pananagutan sa pangulo.
Payo naman ni Lagman kay Pangulong Duterte na sa halip na pigilan ang COA, ay mas mabuting ipag-utos nito ang pag-iimbestiga sa mga iresponsableng ahensiya at isailalim sa due process.
Facebook Comments