Pangulong Duterte, walang nakikitang sinuman na “deserving” na pumalit sa kanyang pwesto

230

Walang nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte na sinuman na karapat-dapat na pumalit sa kanyang pwesto.

Sa isang interview, tinanong ni Pastor Apollo Quiboloy si Pangulong Duterte kung sino ang may potensyal na humalili sa kanya sa susunod na taon.


Sagot ni Pangulong Duterte na wala sa mga potential candidates ang “deserving” bilang pangulo.

Nang tanungin ni Quiboloy si Pangulong Duterte kung sino ang maaaring magpatuloy ng kanyang legacy, tumugon lamang siya na mayroon na siyang napipisil pero mas pinili muna niyang maging “neutral”.

Para kay Pangulong Duterte, ang pagiging presidente ay nangangailangan higit pa sa kakayahan ng mga potential aspirants.

Facebook Comments