Pangulong Duterte, walang sakit pero kailangan lang magpahinga ayon sa Palasyo

176

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na walang malubhang sakot si Pangulong Rodrigo Duterte na dahilan umano ng hindi nito pagdalo sa selebrasyon ng Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sadyang kailangan lang magpahinga ni Pangulong Duterte at dapat ay unawain nalang ang Pangulo.


Paliwanag ni Abella, nag-ikot si Pangulong Duterte nitong mga nakalipas na araw sa ibat-ibang kampo ng militar at sinalubong pa ang pagdating ng mga labi ng mga sundalong napatay sa bakbakan sa Marawi City sa Villamor airbase sa Pasay City.

Dahil aniya dito at napagod ang Pangulo at maging ang personal na doktor nito ay pinayuhan ang Pangulo na magpahinga muna.

Tiniyak naman ni Abella na on top of the situation si Pangulong Duterte sa lahat ng mga nangyayari sa bansa lalo na ang operasyon ng militar sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments