Pangulong Ferdinand Marcos Jr., abala sa sunod-sunod na aktibidad ngayong Biyernes

Magiging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes sa iba’t ibang aktibidad sa Metro Manila.

Unang public engagement ng pangulo ay nakatakda alas-10 ng umaga sa Makabagong San Juan National Government Center sa lungsod ng San Juan.

Dito, pangungunahan niya ang Gawad Agraryo 2025 na inihahanda ng Department of Agrarian Reform (DAR) bilang pagkilala sa mga natatanging Agrarian Reform Beneficiaries, organisasyon, komunidad, at mga institusyong katuwang sa pagpapaunlad ng agraryo at rural sector.

Alas-5:00 nang hapon naman, dadalo ang pangulo sa awarding ceremony ng Commission on Higher Education (CHED) – Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Mula rito, tutungo ang pangulo sa opening ceremony ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin mamayang gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Facebook Comments