Pangulong Ferdinand Marcos Jr., balik-trabaho na sa Malacañang simula kanina matapos magka-COVID

25

Balik-trabaho na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang simula kanina matapos ang kaniyang isolation dahil sa COVID-19.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng pangulo na kinausap nila si Ambassador Manuel Antonio Teehankee kanina.

Kasama niyang kumausap sa ambassador sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo at Presidential Management Staff Chief Zenaida Angping.


Pinanumpa na rin niya sa pwesto si Ambassador Teehankee bilang Philippine Permanent Representative to the World Trade Organization o WTO.

Kasama rin sa kaniyang post ang ilang larawan nila ni Teehankee sa ginanap na oathtaking ceremony maging ng kanilang naging pagpupulong.

Facebook Comments