
Matapang na binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal na may pagkukulang sa pagbibigay ng tulong at sapat na serbisyo para sa mga Pilipino.
Sa ikatlong episode ng BBM Podcast, iginiit ng pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na parusahan ang sinumang opisyal, kaalyado man niya o hindi.
Nag-ugat ito matapos madismaya ang pangulo sa naging resulta ng kanyang pag-iikot at pag-iinspeksyon sa mga flood control projects na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsya.
Ayon pa sa Pangulo, nais nitong makita ang lahat ng listahan ng proyekto sa nakalipas na tatlong taon upang mapanagot ang opisyal na mapapatunayang ibinulsa ang pondo ng bayan.
Facebook Comments









