Tutungo bukas sa lalawigan ng Iloilo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito ay para dumalo sa dalawang aktibidad.
Batay sa anunsyo ng palasyo, ang dalawang aktibidad na ito ay ang pangunguna ng pangulo sa pamimigay ng certificate of land ownership award (CLOA) at title, maging ang pamamahagi ng mga gamit pansaka tulad ng makinarya, equipment, at tissue culture facility.
Pangalawang aktibidad ng pangulo sa Iloilo bukas ay ang pagdalo sa opening ceremony ng 17th National Scout Jamboree na gagawin sa Camp Pintados de Passi, Barangay Sablogon, sa lungsod ng Passi.
Darating ang pangulo sa unang aktibidad 1:30 ng hapon bukas sa lungsod ng Passi at agad dederetso sa pangalawang aktibidad.
Inaasahan naman darating sa aktibidad sina Vice President Sara. Duterte-Carpio, Secretary Cheloy Velicaria-Garafil – Presidential Communications Office
Dadalo rin sina Secretary Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform Undersecretary Jesry Palmares ng Department of Agrarian Reform at iba pa.