Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dadalo sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia: mga isyu sa food at energy security isusulong

Prayoridad na tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga isyung may kinalaman sa food at energy security sa gagawin nitong pagdalo sa 42nd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Indonesia.

Sa pre- departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of ASEAN Affairs (DFA-OAA) Deputy Assistant Secretary Angelito Nayan na kabilang ang long term food at energy security sa isusulong ni Pangulong Marcos na mapag-usapan kasama ang mga kapwa lider sa ASEAN.

Bukod dito, nais rin ng presidente na matalakay sa ASEAN summit ang mga hakbang para sa pagrekober ng ekonomiya, paglaban sa transnational crimes, pagpapa-ganda o upgrade ng mga technical at vocational education at training.


Maging ang pag-adopt sa climate at disaster resilient technologies, ang ginagawa ngayong paglilipat sa renewable energy at mga alternatibong energy technologies at ang usapin sa pagprotekta sa mga migrant workers.

Sinabi naman ni DFA Spokesperson Ambassador Teresita Daza, na gagawin ang opening ceremony ng 42nd ASEAN Summit sa May 10, kasunod ay ang plenary session kung magkikita ang mga ASEAN leaders at representatives.

Nang nakaraang taon host ng ASEAN Summit ay bansang Cambodia.

Facebook Comments