Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dadalo sa Philippine Military Academy Alumni Homecoming sa Baguio City

Nakatakdang tumungo bukas sa Baguio City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay para makiisa sa gaganaping Philippine Military Academy o PMA Alumni Homecoming 2023 na gagawin sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Alas 9:00 ng umaga sa Sabado ay aasahan ang pagdating ng pangulo sa Fort Del Pilar.


Pagdating sa Fort Del Pilar ay dederetso ang pangulo sa sundial area para sa arrival honors pagkatapos ay tutungo sa Longayban Hall upang gawin ang guest book signing bago tumungo sa grandstand para sa programa.

Sa programa sa PMA Grandstand inaasahang pangungunahan ng pangulo ang awarding ceremony, kung saan may mga PMAer na mabibigyan ng lifetime achievement awards, Cavalier Awardees, Pandemic Heroes Awardees, Diamond Jubilarians (Class 63), Golden Jubilarians (Class 73) at Silver Jubilarians (Class 98).

Ang PMA alumni homecoming ay tradisyunal na ginagawa nang mga nagtapos sa akademya taon taon.

Facebook Comments