Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dumating na sa Cambodia para sa ASEAN Summit; Cambodian street food, tiyak daw na titikman ng pangulo

Bagama’t magiging abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdalo sa ASEAN Summits at mga nakatakdang bilateral meetings sa Phonm Penh, Cambodia ay hindi raw palalampasin ng pangulo ang mga pagkain sa Cambodia lalo na ang mga street food.

Sa ambush interview sa loob mismo ng eroplano na sinasakyan ng pangulo patungong Cambodia, sinabi nito na first time niyang nakarating sa Cambodia.

Kaya naman titikman niya ang lahat ng mga pagkain sa Cambodia kahit pa ang mga street food.


Bukas ay inaasahan ang pagdalo nito sa mga aktibidad may kaugnayan sa ASEAN Summit.

Facebook Comments