Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga lokal na pamahalaan na pumasok sa public-private partnership (PPP) upang mabigyan ng pondo ang kanilang mga proyekto.
Sa pulong sa League of Cities of the Philippines, sinabi ng pangulo na malaki ang magiging papel ng digitalization sa PPP, lalo na sa pagsusulong ng economic recovery at digital transformation sa bansa.
Sinabi ng pangulo na maliban sa isinusulong na digitalization, tututukan ng kanyang administrasyon ang mga imprastraktura.
Nabanggit din nito na maraming mga bansa lalo na ang mga nag-courtesy call na mga ambassador ang nag-alok ng tulong.
Kasama aniya sa natanggap niyang offers ay pagpopondo sa big-ticket projects kabilang ang official development assistance (ODA) at joint ventures.
Kaya naman hinihikayat ng pangulo ang local executives na humanap ng local partners at investors, at maging “driving force” sa pagsusulong ng economic transformation.