Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaasahan ni National Security Adviser Clarita Carlos na magdedeklara ng insurgency free sa buong bansa

Tuloy tuloy ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC kaya naman lumiliit na ang mundo para sa mga rebelde.

Ito ang sinabi ni National Security Adviser Secretary Clarita Carlos sa harap ng nagpapatuloy aniyang accomplishment reports ng NTC-ELCAC.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Carlos na masaya siya dahil magaganda ang natatanggap niyang reports.


Sa katunayan, natanggap niya ang report ni Maj. Gen. Camilo Ligayo, Commander ng 8th infantry division ng Philippine Army sa Samar na sa loob ng unang quarter ng taon ay nawala na ang natitirang apat na lamang na guerilla fronts sa bansa.

Kapag natuloy aniya ito, posibleng maideklara na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na insurgency free na ang buong bansa.

Ayon kay Carlos, ibig sabihin ito na magkakaroon na ng mas malaking tsansa na lumago ang ekonomiya sa iba’t ibang bansa.

Kaya naman kahit pa aniya sumakabilang buhay na ang founder ng CPP na si Jose Maria Sison, tuloy tuloy pa rin aniya ang pagpapaigting ng operasyon ng militar laban sa mga natitira pang rebelde.

Sa sandali kasi aniyang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, siguradong na magkakaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments