Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaming nababahala sa ginawang pambobomba ng tubig ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nababahala siya sa pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas na nagsagawa ng resupply mission kamakailan sa Ayungin Shoal kung saan ito binomba ng tubig ng barko ng Chinese Coast Guard.

Ang pag-amin ay ginawa ng pangulo sa kaniyang talumpati sa ginanap na ika 88th Founding Anniversary ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

Napagalamang sakay ng nasabing barko ng Pilipinas si mismong AFP chief of staff General Romeo Braswner nang bombahin ng tubig ang barko ng Pilipinas.


Pero ayon sa pangulo, ang insidenteng ito ay pagpapakita ng tapang ng puwersa ng bansa para protektahan at mapanindigan ang territorial integrity laban sa mga nanggigipit.

Kaya naman ayon sa pangulo, mahalaga ang pagtitimpi at pagiging responsable ng mga sundalo para panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng regional security batay sa international law, kahit pa nahaharap ang mga ito sa mga panguudyok.

Kaugnay nito, ayon sa presidente na kailangang ipagpatuloy lamang ng AFP na paghusayin ang kanilang kahandaan upang epektibong maiwasan ang anupamang mga pagbabanta.

Facebook Comments