Tumungo sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA).
Pinangangasiwaan nito ngayon ang meeting kasama ang matataas na opisyal ng ahensiya.
Hulyo 4 unang nagtungo sa Kagawaran ng Pagsasaka ang Punong Ehekutibo na kung saan, isa sa naging direktiba ng Pangulong Marcos ang pagtiyak sa food supply ng bansa.
Natalakay din ang kahalagahan ng food availability at accessability maging ang food affordability habang naipunto din ng Presidente na magandang masimulan na ang Masagana 150 at Masagana 200.
Pagkatapos ng pulong ng Pangulo sa DA ngayong umaga ay makikipagpulong naman nito sa mga taga-Department of Health (DOH) mamayang hapon.
Facebook Comments