Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nabahala sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid

Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nag-alala sa nangyaring pamamaslang sa brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid kagabi.

Dahil dito, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra inatasan sila ng pangulo na alamin ang kasalukuyang imbestigasyon sa pagpatay sa brodkaster.

Sinabi pa ni Guevarra, na mayroon na siyang nakausap kaugnay sa imbestigasyon at sinabing bumuo na nang Task Force Lapid ang Southern Police District (SPD).


Bukod dito magpupulong aniya sila ng mga opisyal ng Presidential Task Force on Media Security at SPD para masigurong magiging maganda ang imbestigasyon sa kaso.

Umaasa si Guevarra na sa susunod na pitong araw ay magkakaroon na nang resulta ang imbestigayson sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Facebook Comments